Jan 31, 2005

ang katahimikan ng gabi
ang siyang pinakamahirap
sa isang bilanggo;
walang kasiguraduhan. walang kalayaan.
walang ligayang maaaring
asamin at pagdaka'y
iwan sa gitna ng kawalan.
hawak ko sa aking kanan ang
natitira ko pang pagkalango
sa alak at alaalang inakala
ko'y minsan pang bibilanggo sa
akin; nagkamali ako. matagal
na pala akong nakalaya;
nagpupumilit lamang akong magpaaliping
muli sa mga alaala mong
pinsa'y pumunit sa aking
pagkatao. katawa-tawa, kaibigan.
sino ba talaga sa atin
ang naging bilanggo ng katuwang?
ang totoo? hindi ko alam
kung saang lupalop ng daigidig ako
hahanap ng paliwanag sa
mga nangyari sa atin. magkakapatawaran
pa ba tayo pagkatapos ng
lahat ng ito? ewan.

ang katahimikan daw ng gabi
ang siyang pinakamahirap
sa isang bilanggo pagka't
walang kasiguraduhan. ni walang kapayapaan
mula sa sariling mapag-imbot
at puno ng sala.

No comments: