Feb 2, 2005

matalas ang hanging humahampas
sa aking mukha; nangungutya at tila
nagpapahiwatig ng di mabilang
na paniniring; ilang ulit pang
papailalim sa makamundong pagpapasasa
sa iyong mga alaalang walang
ginagawa kundi ako'y saktan?

makailang demonyo na ba ang kinailangang
ilagan?
ilang pakikibaka na ba ang pinagbuhusan
ng dugo't kaluluwa, awit at halakhak?
hindi ko na mabilang; ayokong magbilang.
hindi ako matematiko.

sa dulo ng walang patumanggang imperyo
ng yeso, ano'ng langit ang
naghihintay sa isang payak na
mang-uukit ng papel? anong liwanag
ang mababanaag sa lilom ng
iilang dahon ng pag-iimbot, pag-asa
at paglingap?

sa kamay ng imperyo, ano'ng langit pa
ba ang hahangarin gayung wala
namang nirvana'ng naghihintay? kakat'wang
mga kaluluwang binulid ng mga sariling
pita'ng minsan nang nakalimutan;
matampuhing langit! ano'ng kahungkagan
itong aking tinatamasa.

sa maramdaming agos ng
imperyong yeso ano'ng liwanag mayroon
sa mata ng isang sanggol
ng panulat?


write to me. hey.

No comments: