don't tell me you're freakin' queer
and i won't beat the crap outta you.
THE LARAMIE PROJECT: Angels in America
sa tanang buhay ko bilang mananalaysay rito, ngayon lamang ako maglalahad ng ganitong uri ng damdaming tila patalim na umulos sa akin ng pagkalalim: masakit isiping sa unang pagkakataon, makalipas ang mahigit isang taon at kalahati, ay masasambit pa rin ang mga salitang di ko kailanman ninais marinig - sa iyo iyon, hindi sa akin. kahit kailan hindi ko inisip na masasabi niya iyon. subalit sinabi niya; at ang mundo ko'y nagunaw.
kumikitil ito ng aking damdamin.
matalas ang patalim.
malalim ang sugat.
walang pag-aalinlangan
sa pagdagok sa aking kaluluwa.
we were walking
quietly
along the paved
sidewalk;
talking
about things.
and then,
she pops
the question
about my investments;
i obliged.
and it was hell
freezing over
afterwards.
minsan ko lang sasabihin ito.
puta'ng ina.
ang sakit-sakit.
ansakit malamang
inaakala niyang hindi siya bahagi ng
aking mga pangarap; ng aking mga pita; at
pagdaka'y ano? pag-aaway;
bulyawan sa daan;
luha.
hindi pagkakaunawaan
at dagok sa sarili;
nawawala ako sa sarili
at hindi ko ito
maitago. puta'ng ina.
minsan iniisip ko
nagsasawa na ba ako?
sana hindi pa;
ayokong magsawa, pero
parang binibigyan nya
ako
ng dahilan.
puta'ng ina talaga.
i'm still here, i guess. hey.
No comments:
Post a Comment