Feb 28, 2006

i am going gaga over getting a copy of ILUSYON, a digital film that's part of the cinemaone digifilm festival. i am using it for my communication skills and literature classes, but i can't seem to get a copy of it. grr.

hindi ako manunula
walang tintang dumadaloy
sa aking mga ugat,
ni titik na nakaukit
sa aking puso.

sa aking balat'y hindi
nalalatay ang mga sugat ng hinagpis
na siyang dahilan ng paghabi
ng mga taludtod.
maniwala ka,
hindi ako manunula.

kahit ano'ng liyag sa umaga't
romansa sa buwa'y
hindi titining man lamang ang
mala-makatang silakbo
sa pita, sa kaluluwa.

siphayo ma'y siyang kaakibat
ng marubdob na pagtangi'y wala
ni kuntil ng binalangkas na
damdaming magkakasi.

pagka't hindi ako manunula;
siyang turing mo sa aki'y damong ligaw
sa iyong talampakan
at ikaw nama'y ilusyong
di tarok nitong hinuha.

No comments: