a friend of mine wrote this poem for valentine's day, and boy abunda read it in his feb.14 HOMEBOY show. i was at work when he did. astig ka talaga, kiko.
Walang Araw Ang Mga Puso
Ni Francisco Montesena 2/6/06
Walang araw ang mga puso.
Ayokong sukatin
sa talulot ng mga bulaklak
O tamis ng mga tsokolate
ang halaga ng araw na ito.
Wala sa kulay rosas,
sa higpit ng mga yakap,
sa lamig ng paligid,
o dalas ng pagniniig.
Dahil ang puso ko
ay walang piniling araw
upang mangibabaw
ang tamis
ang kulay
ang lamig
ang init.
Lahat ng araw ng puso ko
ay pagmamay-ari mo.
No comments:
Post a Comment