Apr 28, 2004

nawawala

Pinagtagni-tagning langit
Ang hawak ng haraya
Nitong mga pusong sawi
Noon at noon pa
Kailan nga ba makakakita
Ng kaunting liwanag
Sa dulo ng madilim, masalimuot
Na gabing saksakan ng pait
Minsan nang nangarap
At nasawi ang puso
Minsan nang umiyak
Humikbi, nawalang pag-asa
Malalim ang gabi
Malamig, matalas ang hangin
Malupit ang hagupit
Bawat ihip, lumalatay
Subalit hindi ko iniinda
Sapagkat ang haraya ay masaya
Masaya sa iilang alaala
At iilang pinagtagni-tagning langit
Masaya sa iilang nakaw na sandali
At iilang impit ng puso
Na minsang nangarap, humiling
Na makatagpo ng ibang harayang
Minsan ring nangulila, naghanap
Nagdasal na makatagpo
Ng sariling kaligayahan.

No comments: