Apr 30, 2004

lapis
(excerpt from 'silent shrieks')

METUNG
titigan mo ako
at hayaang maging malaya muli
mahal kita, alam ko
kaya lang, alam mo ba?
o bihag pa rin ako
ng katangahan ng pag-asang
minsan mahahagkan ka ng lubusan
di kailangang mangambang
mahuli tayo nila
at muli'y ilayo ka sa akin

ADWA
kahit minsan titigan mo ako
nang malaman mong
hindi lang pulos kahibangan
ang laman ng utak ko
na walang ginawa kundi isigaw
ang pangalan mong tila alingawngaw
na walang tigil sa pagpapahirap sa akin

ATLU
aba! paano ba mabubuhay
kung walang ginawa kundi umiyak
ang pusong alipin ng iyong alaala

APAT
aba'y kahit minsan man lang
pagdamutan mo ako ng iyong titig
ng kahit paano ay sumilay ang liwanag
sa aking mga labi na
itim na itim na sa kakasigarilyo
at kapipiyok sa pag-awit
ng kantang iyong ginawa

LIMA
titigan mo ako kahit na minsan
upang lumaya itong katawang walang lakas
dahil naubos na sa kaiisip sa 'yo

ANAM
titigan mo ako dahil
wala nang iba pang magagawa
sapagkat huli na
para umisip pa ng ibang gagawin.

No comments: