hagupit
matalas ang hangin
habang humahampas sa aking balat
sa aking puso
sa kaluluwa
mabigat ang aking mga yabag
mga haplos
mga pagsisisi
matalas ang hangin
habang humahampas sa aking pag-iisip
sa aking puso
sa aking kaluluwa
matalas ang hangin subalit
ito'y 'di ko inalintana
sapagka't mas matalas ang hagupit
ng iyong mga tingin
at ng iyong pagiimbot
sa aking balat
sa kaluluwa
sa puso.
No comments:
Post a Comment