i just need to let this out...
bakit ba lahat na lang ng tao gusto yung lagi akong nagagalit?! puta'ng ina, ano bang gusto nilang palabasin? ikaw na nga ito'ng hindi mapakali sa kaiisip sa kanila kasi anlayo nila sa iyo, tapos pabugsu-bugso po ang pagdedesisyon, at heto't sa akin nireresbak ang nararamdaman kong galit at pagtatampo.
mali ba ako? bakit? bakit hindi? puta'ng ina, ano ba talagang papel ko sa mundong ito? asawa ba? kasintahang pabaya? bawal na ba akong mag-alala? kahinaan ba ang mag-alala. gago! ansikip ng dibdib ko ngayon.
kusang bumubuhos ang damdamin ko ngayon. isinusulat ang lahat ng nararamdaman para naman mabawasan yung sakit na nararamdaman ko. paawa pa ba siya? ano'ng gustong palabasin dito? mali na naman ako? puta'ng ina! kahit kelan hindi na ata ako tumama ah! kelan pa? kapag nagising na ako?
natutulog nga ba ako? nagkukunwari? sinusubukang sagutin ang mga nagtatagong kalansay sa pamamagitan ng pagkukubli? hanggang kelan? aaminin ko, namimiss ko ang pakikipaghindutan kung kani-kanino. namimiss ko yung gabi-gabi, kung sinu-sino ang katabi ko sa kama. inaamin kong mahina ako.
puta'ng ina, mahina ako! hindi ko kinakaila iyon. kailangan ko ng karamay dito para lumakas ang loob ko! lahat ng namimiss ko, pilit kong kinakalimutan. bakit? kasi mahal kita, 'my! kasi mahal kita. ayos lang yung hindi na ako nakikipaghindutan kung kani-kanino. ayos lang iyong hindi kita nakikita kasi praning ang magulang mo. ayos lang na nahihirapan na ako sa siywasyon natin kasi anggulong kausap ng mga kapitbahay mo - kapag nakita mo, mabait; kapag hindi mo nabati, demonyo ang tingin sa akin. sino sila para magmalinis? puta, tantanan nila ako ha?!
lahat ng ito natiiis ko kasi mahal kita. kaya lang, baka naman pwede mo akong tulungan... hindi ko ito kaya nang nag-iisa. hindi ko kayang mag-isa. kaya nga lagi akong nakayakap sa iyo. kasi mahina ako... ano pang gusto mong gawin ko? ano pa?...
thanks. i needed that. it's so hard when you got no brotha to talk to about these things.
No comments:
Post a Comment