Mar 27, 2005

ang nakalipas na semana santa ay naging marubdob at kapana-panabik para sa akin. sa buong katotohanan, hindi naging madali ang buong linggong paghihintay sa muling pagkabuhay ng manunubos. naging kakaiba ang penitensyang aking kinaharap upang sa huli'y mabanaag ang liwanag ng bagong pag-asa.

lunes santo
martes santo
miyerkules santo
walang halos pinagkaiba
ang mga araw.

huwebes santo
init ng ulo sa magulang
luhang marahang humahalik sa
sahig ng mumunting langit
na siyang naging tanging kanlungan
sa piling ng pinakaiirog
ilang hagulhol pa't
muli na akong nakangiti.

biyernes santo
hindi ko inaasahang
makikita ko ang mga katagang iyon
na mamutawi sa iyong mga titik
kayhapding punyal itong
tumagos sa aking dibdib
ilan pang mga pagkakamali
ilan pang mga salitang hindi dapat
nasabi ngunit namutawi sa haraya.

sabado de gloria
unang hagupit
ikalawang pagkakadapa
may kung ilang masasakit na parirala
sakay sa traysikel, tinahak ko
ang daan tungo sa iyong tahanan
mdilim ang langit
nakikiayon sa
nananalaytay na hinagpis
ilang patak ng ambon sa aking bumbunan
at ilang pilit-lumalabas na mga krystal
mula sa iyong mga bintana
maya-maya pa'y oras na nang pag-uwi.

linggo ng pagkabuhay
ilang ngiti at manok sa mcdo
ilang patatas at tsaa
sumama ka sa bahay at muling
nagniig ang ating mga labi
at muling naghilom ang sugat.

sa ngayon.


Hearts gone astray, deep in her when they go.
I went away just when you needed me so.
You won't regret, I'll come back begging you. (mmm)
Won't you forget, welcome the love we once knew.

Open up your eyes, then you realise.
Here I stand with my everlasting love.
Need you by my side.
Girl to be my pride.
Never be denied everlasting love....

oh...

Hearts gone astray deep in hurt when they go.
I went away just when you needed me so.
You wont regret I'll come back begging you.
Wont you forget, welcome love we once knew.

Open up your eyes, then you'll realise.
Here I stand with my everlasting love
Need you by my side.
Girl to be my pride.
Never be denied everlasting love.

From the very start open up your heart, feel that you've fall in,
Everlasting love......

need a love to last forever.
need a love to last forever.
need a love to last forever.
need a love to last forever.........

I need a love to last forever

EVERLASTING LOVE
jamie cullum

No comments: