
nag-away kami ngayon;
walang bago duon.
ano'ng bago?
nag-away kami dahil sa mais.
dahil sa puta'ng ina'ng mais.
hindi maitatagong galit ako;
galit din siya.
dahil hindi ko binayaran
ang puta'ng ina'ng mais na yun
nabawasan ang baon nya.
ngayon, pakiramdam nya
hindi ko kayang punan ang mga pangngailangan nya;
wala na'ng tiwala sa kakayanan kong
buhayin siya pagkatapos ng kasal-
sa pagkakataong mawalan siya ng trabaho.
puta'ng ina'ng mais na yun.
isinisumpa ko lahat ng puta'ng ina'ng mais.
sa pagkakataong ito
naramdaman kong sobrang nayapakan
ang pagkalalaki ko.
masakit. tagos. puta'ng ina'ng mais na yun.
sana hindi na lang ako nag-alok na bumili;
sana itinapon ko na lang lahat
sa kalsada ang kuldron ng puta'ng ina'ng mais.
sana nagpabangga na lang ako
kesa bumili ng puta'ng ina'ng mais.
ngayon, aniya, hindi ko naiintindihan
ang mga pangangailangan nya; na natatakot na siya.
na hindi siya sigurado kung
kaya ko ba siyang buhayin.
puta'ng ina'ng mais na yun.
kanina pa ko sa simbahan;
sinusubukan kong magdasal-
pero blangko ang utak ko.
sinusubukan kong umiyak;
huli na. puta'ng ina'ng mais na yun.
halos masira ang pindutang ito;
halos tumulo ang luha ko-
kaya lang, wala na talaga.
bahala na bukas. dahil sa puta'ng ina'ng mais na yun.
gusto kong sumigaw; hindi ko na kaya.
gusto kong umiyak; wala nang itulo.
gusto kong himingi ng kahit konting
pagpapahalaga mula sa puta'ng ina'ng mais na yun.
e wala talaga.
No comments:
Post a Comment