Jan 16, 2012

masama ang loob ko sa inyo. kasi sa totoo lang, kahit hayup-hayop yung kapatid ko, sya pa din ang pinapaburan kasi sya yung hindi nag-asawa agad. ‘tang ina, sa kabila ng lahat ng ginawa nya kagaguhan at ng ginawang kong tulong, e sya pa din ang lalabas na magaling, putcha talu-talo na ito.

bakit, sa palagay mo ba dadalahin nya dito sa SG ang nanay at kapatid ko kung hindi ko biglang pinapunta yung mag-ina ko dito? 4years sa sa SG ngayon lang nya naisip papuntahin sila for vacation, samantalang ako e wala pang isang taon yun muna ang pinag-ipunan ko? alam kaya ng magulang ko na mas pinipili ng kapatid kong manuod ng ANTM kesa kausapin sila sa skype, nung mga panahong magkasama pa kami sa room? na pagsinabi nyang kakain muna sya, ibig sabihin nun, manunuod sya sa youtube? nakakainis lang ng sobra.

sana wag lang silang mag-expect na may matitira pang paggalang pagkatapos ng lahat ng ito. ayoko na. suko na ako.

No comments: