Jan 30, 2007

kapirasong langit sa piling ng ariang sawit

ilang sambit na impit,
ilang kaluluwang sawit?
ilang awiting nakakahilakbot
ilang pusong nagmamaramot.

anong liwanag mayroon ka
buwan na puno ng diyablong sawi?
kaninong biyaya daratal
kung hindi mananalangin?

ilang pirasong ulap ang kailangan
upang maibsan ang sakit
na dulot ng sinag ng araw?
paanong mabubuhay kung

ang iilang ariyang sawit
ay impit and sambit?
kikilalanin pa b ng maramot na puso
ang dati nitong hibik?

No comments: