Sep 7, 2006


kanino nananahan
ang katahimikang mailap?
sa langit, mga ulap?
o sa putik, lupang marumi't naaagnas?

sa aling lilom ng puno nananaghoy
ang pag-ibig na maramot?
sa dalampasigang marahas?
o sa bubungang lata'ng mapag-imbot?

sa iilang pirasong ulap
na ngayo'y nangagsisilaro,
saang palad mahahanap
ang kaligtasang inaasam nuon pa?

kung ang langit, dalampasigan
lupa't mga palad ay nagdarahop,
may kakikitaan pa bang awa
sa paningin ng mga bituin?


had a long day. really long day.
ingat po palagi ;p

No comments: