Oct 13, 2005

paalam, sintang langit -
kanlungan ng ligaya't pag-ibig.
habambuhay na tayong
hindi muling iindayog
sa saliw ng iisang awitin;
limuting walang habas
lahat ng pagsinta.

anong siphayo itong daratal
sa kinawawang pusong
tanging ikaw lamang ang hangad?

sintang langit, paalam.
paalam sa ngiti
na siyang tagapagdala ng liwanag
sa hapong kulimlim;

anong harot nitong tadhana
kung maglaro!
pagka't paglisan mo'y di na mapigilan.

Paalam, sintang langit.
sa iyong paglisan,
baon mo'y aking puso at kaluluwa;
lulan ng iyong bakol
yaong pita't luhang itinangis
sa iyong paanan;
maging ilang rosas na pilit nagpapaalala
na ako'y naghihintay
sa patyo ng simbahan
sa muli mong pagbabalik

dito sa aking pusong
minsa'y itinuring mong tanggulan.

No comments: